Posts

Showing posts from March, 2023

Paano Gumawa Ng Graham Balls

Image
  Paano gumawa ng graham balls Ang pinakamadaling gawing panghimagas ay ang graham balls, na kung saan ang mga sangkap nito ay madali lamang mahanap sa tindahan, grocery store, malls at iba pa. Narito ang mga sangkap at pagkasunod sunod na paraan sa paggawa ng graham balls. Mga Sangkap na dapat gamitin: 3 tasang durog na graham crackers 1 tasang kondensada ¼ tasang eveporated milk Sprinkles o maaring ipang ibabaw sa graham balls (rice crispy, durog na mani, chocolate sprinkles, rainbow sprinkles, etc) Paggawa ng Graham Balls: Unang hakbang:  Ibuhos ang iyong durog na graham crackers sa isang mangkok. Maaari ding bumili ng durog na graham crackers o durugin ang mga ito ng mano — mano. Maaari ring gumawa ng maraming graham balls hangga’t mayroon pang mga sangkap. Ikalawang hakbang:  Idagdag ang 1/3 tasa ng kondensada. Ibuhos ang kondensada sa durog na Graham crackers at ihalo ang lahat ng ito kasama ang isang spatula hanggang maipagsama. Siguraduhin lamang na hindi ito dapa...